2 Loyalty

all we do is win

counter

1302

the daily prophet (well di naman xa talaga daily)

View older posts »

LARO NG LAHI ft. AGAWANG PANYO

July 16, 2010

Ayan na naman. Magandang morning/afternoon/evening/ mornight sa inyong lahat. ( Malamang alam nyo nang si ChukkChakkChenes na nagsulat neto kasi ako lang naman yung may ganitong introduction lagi )

 

Umpisa na naman ng panibagong labanan sa Larong Pinoy : Palakasan, Patatagan, Patagalan at Pakapalan ng mukha.

          Unang naglaro ang grupo nila Bote at Domi. Grabe, pwedeng record holder ang group 4 kase naka two-consecutive Dapa Session sila! Astig diba! Kung tutuusin, bibihira lang yung ganun. Unang kategorya ay ang " LoveTeam ". Ayun, pinasabak kagad sila Domz at Shiena versus Lorenz at Eme. Nakakapagtaka, bakit si Eme yung bwena mano? yan tuloy, una palang, bwenas na. Lampa kase. (weng-weng) Sunod na pinasabak ang mga maliliit. Aminado si Kim " Barney " Lopez na maliit sya kaya sumugod sya ng tuluyan. Inasahan ng lahat na dadaganan nya ang kalaban pero iba ang nangyari. Hooray! nakuha nya ang panyo pero nadapa sya; same place kung saan nadapa si Eme. Tinangka nyang tumindig muli subalit di nya nakayanan kaya napaupo sya ulit. ( 2 points ! dalawa na injured . haha ! ) Ayun yung mga highlights sa first game. Let's proceed to the second game.

Ayan na, team nila Isaiah " MongoLOT former JejeLOT " Gonzales at Juvan Ecom ang maglalaban. May nakakaantig na eksena ang naganap. Si Russell (yung bata sa Up Movie) came into reality and its no other than the Buddha Scout Sean! Grabe, kulang na lang ng kalabaw sa panyo. Pero infairness, effective ang mahiwagang panyo. Dahil sa kanyang pagiging Budhha Scout, natataya nya ang kalaban. Well, di naman natin pwedeng masabi na pandaraya ang ginawa nya sapagkat kanya-kanyang diskarte nga Lang yan ;)

Third Game. Losers versus losers. Team nila Dominadora Pilapila at Juvan Ecom. Naging desperado si Dora. Halos mangiyak-ngiyak na sya. Kaawa-awa ang kanyang mukha. Sa sobrang pagka-desperado, itinakbo nya ang panyo sa isang far-far away island (Ninoy). Sa aking paghihinala, marahil kinuha nya ang panyo upang singahan o bahingan ito. Dahil sa kanyang ginawa, ayan, nasita sya. (aruy) Banat nya, lagi na lang daw 4th place ang grupo nila kaya nanghihinayang sya.

Fourth Game. Championship. Nagkaharap na naman ang grupo nila JejeLOT at Bottle. Close fight. Nakakatindig balahibo ang bawat rounds. Syempre, di nagpapatalo ang dalawang grupo. Mainit ang laban; kasing init ng ulo ni Domz. Pero, pero, pero.. di pa tapos ang laban to be continued nanaman ang laro. Abangan nyo nalang ang susunod na balita.

 

-- by: ChukkChakkChenes



Comment



This Free Website was created with the Jigsy Website Builder.     Build your own Website for Free!